Nang kapanayamin kahapon, Lunes, ika-9 ng Abril 2018, sa Jakarta, Indonesya, ng mamamahayag ng China Radio International, pinuna ng mga eksperto ng University of Indonesia, ang paulit-ulit na pagpapasidhi ng Amerika ng alitang pangkalakalan sa Tsina, at sinabi nilang, ang paglulunsad ng Amerika ng "trade war" ay aksyon ng hegemonismo.
Sinabi ni Fredy Lumban Tobing, Puno ng Sentro ng Pananaliksik sa Relasyong Pandaigdig ng naturang pamantasan, na sa background ng globalisasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, ang paglulunsad ng trade war ay hindi paborable sa sinuman.
Ipinahayag naman ni Edy Prasetyono, Puno ng ASEAN Study Center, na sa proseso ng globalisasyon, normal ang paglitaw ng kompetisyon, pero hindi ito dapat lutasin sa pamamagitan ng trade war.
Ipinalalagay naman ni Evi Fitriani, Lecturer ng Departamento ng Lipunan at Pulitika, na ang trade war ng Amerika sa Tsina ay magdudulot din ng epekto sa Indonesya. Aniya, maraming produktong iniluluwas ng Tsina sa Amerika ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpoproseso ng mga hilaw na materyal na inaangkat mula sa Indonesya, kaya kung babawasan ang pagluluwas ng Tsina sa Amerika, maaapektuhan din ang Indonesya.