Ipinahayag Abril 17, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idaraos ang Ika-9 na Mataas na Konsultasyon sa mga Suliraning Pandagat ng Tsina at Hapon, mula ika-19 hanggang ika-20 ng buwang ito, sa Sendai, Hapon.
Inilahad ni Hua, na dadalo sa pagtitipong ito ang mga kinatawan mula sa mga departamento ng dalawang panig sa diplomasiya, depensa, pagpapatupad sa batas at pamamahala sa karagatan, at iba pa.
Ani Hua, ito ay regular na mekanismong pandiyalogo sa mga suliraning pandagat ng Tsina at Hapon. Umaasa aniya siyang mapapalalim nito ang pagpapalitan ng dalawang panig sa mga isyung pandagat na kapwa nila pinahahalagahan, at mapapalakas din ang kanilang pag-uunawaan at pagtitiwalaan.