Beijing, Tsina—Idinaos Miyerkules, Abril 18, 2018 ang International Digital Cinema Technology Forum sa Ika-8 Beijing International Film Festival (BJIFF).
Batay sa tema ng forum na Film Production Industrialization for Today's Film Works, ibinahagi ng anim na panauhin mula sa Australia, Canada, Tsina, at Estados Unidos ang kani-kanilang kuru-kuro at mungkahi hinggil sa produksyon ng pelikula. Kabilang sa mga panauhin ay sina Xie Ning, Pangalawang Presidente ng Base FX; Chris Godfrey, kilalang producer mula sa Australia; Wang Yaming, kinatawan mula sa Sony China; Anthony LaMolimara, Academy Award winner mula sa Estados Unidos; Alain Desrochers, film director at screenwriter mula sa Canada; at Gao Pengdong, Tagapagtatag ng VSO China.
Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: Li Feng/CRI