NAGHAHANDA na ang mga diplomata ng Pilipinas at Kuwait sa pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mayamang bansa.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Cayetano, sasaksi si Pangulong Duterte sa paglagda sa kasunduan na magbibigay ng proteksyon sa mga manggagawang Filipino.
Sa mga ulat ng pagmamalupit ng ilang Kuwaiti employers, ipinagbawal ni Pangulong Duterte ang pagpapadala ng mga kasambahay sa mayamang bansa. Pinag-uusapan na ng magkabilang panig ang kasunduang malalagdaan sa pagdalaw ng pangulo.
Kabilang sa mga probisyon ang hindi pagsamsam sa mga pasaporte ng mga manggagawa, maayos at magandang uri ng paglilingkuran at pagbibigay ng araw ng pahinga sa mga manggagawang Filipino.