Huwebes, Abril 26, 2018, sinimulan sa Lin'an District ng Hangzhou, Lalawigang Zhejiang ng Tsina, ang aktibidad ng kultura ng kawayan. Itinanghal sa nasabing kaganapan ang mahigit 300 katangi-tanging putahe na may elemento ng kawayan, at mga likhang-sining at produkto ng kawayan.
Ang labong ay pangunahing industriya na nakakapagpasulong sa kabuhayan ng Lin'an District. Ang "bangkete ng sandaang putahe ng labong" ay kilalang tradisyonal na bangkete sa lokalidad. Ang lahat ng mga putahe na inihanda sa bangkete ay may kinalaman sa labong.
Parke ng Kultura ng Kawayan ng Hangzhou sa Lin'an District
Salin: Vera