Beijing,Tsina--Bilang paggunita sa ika-200 taon ng kapanganakan ni Karl Marx, idinaos ngayong araw, Biyernes, Mayo 4, 2018, ang komperensya, kung saan bumigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na nitong dalawang siglong nakalipas, sa kabila ng malalaki at masasalimuot na pagbabago sa daigdig, nagniningning pa rin ang Marxism. Inilarawan ng pangulong Tsino si Marx bilang guro ng rebolusyon para sa proletariat at manggagawa sa buong daigdig, pangunahing tagapagtatag ng Marxism, tagapagtatag ng mga partidong Marxist, tagapanguna para sa pandaigdig na komunismo, at pinakadakilang tagapag-isip sa modernong panahon.
Salin: Jade