Ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na muling ipinakikita ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Dominican Republic na tunguhin ng panahon ang pagkilala at pananangan sa prinsipyong isang Tsina.
Inulit ng tagapagsalitang Tsino sa regular na preskon Huwebes, Mayo 3, 2018, na iisa lamang sa daigdig ang Tsina: ang Pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ay ang siyang tanging lehitimong pamahalaang kumakatawan sa Tsina, at ang Taiwan ay di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina. Apatnapu't pitong taon ang nakaraan, ang prinsipyong isang Tsina ay inilakip sa UN General Assembly Resolution 2758, dagdag pa ni Hua.
Noong Mayo 1, 2018, lumagda ang Tsina at Dominican Republic sa Magkasanib na Komunike ng Pagtatatag ng Ugnayang Diplomatiko, sa Beijing, Tsina.
Salin: Jade