Ang nayon ng Qiaoma sa lalawigang Guizhou ay isang mahirap na pamayanan. At ang karamihan ng naninirahan dito ay mga paslit at matanda, dahil ang mga kabataan na bubuo sana ng lakas-manggagawa ay lumilisan ng kanilang hometown para makakuha ng hanapbuhay.
Si Zhou Jianren ay isang 24 taon na lalaki. Nitong ilang taong nakalipas, bilang boluntaryo, pumunta siya sa Nayong Qiaoma. Ang kahirapan ng nayong ito ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa kanya. Pagkaraang magtapos sa unibersidad, pumunta siyang muli sa Qiaoma at itinatag ang isang maliit na sugar factory dito, na naglalayong umakit ng mas maraming kabataang bumalik sa hometown at magtrabaho dito.