Martes, Mayo 8, 2018, ipinatalastas ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos na tatalikuran ng kanyang bansa ang Iran nuclear deal, at sisimulang muli ang pagpapataw ng sangsyon sa Iran na inalis dahil sa nasabing kasunduan.
Sa kanyang TV speech sa White House nang araw ring iyon, sinabi ni Trump na ang Iran nuclear deal ay isang "masamang" kasunduan, mahina ang paglilimita nito sa pagpapaunlad ng Iran ng proyektong nuklear, pero naiwasan ng Iran ang sangsyon dahil dito. Aniya, hindi nilimitahan ng kasunduan ang pagpapaunlad ng Iran ng ballistic missile project, at hindi nilimitahan din ang "pagsasagawa ng Iran ng di-ligtas na aktibidad" sa rehiyon ng Gitnang Silangan. Bukod dito, di-matatanggap ang "sunset provisions" ng kasunduan tungkol sa posibilidad ng pagpapanumbalik ng Iran ng uranium enrichment pagkaraang mawalan ng bisa ang kasunduan, dagdag pa niya.
Pagkatapos ng talumpati, nilagdaan ni Trump ang dokumento hinggil sa pagtalikod ng Amerika sa kasunduang ito.
Salin: Vera