|
||||||||
|
||
Qingzhen City, Lalawigang Guizhou ng Tsina—Ang mga unmanned drone ay ginagamit kamakailan ng local post office para magpadala ng mga liham, pahayagan at pakete sa limang liblib na nayon sa lokalidad.
Ayon sa salaysay, maaaring ipadala ng nasabing unmanned drone ang bagay na humigit-kumulang 4 na kilo ang timbang. Noong nakaraan, 2 oras ang kinailangan para magpadala ng liham doon, pero ngayon, magagawa ang buong proseso ng paghahatid sa loob ng 20 minuto lang.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |