|
||||||||
|
||
Hanggang noong Abril ng taong ito, nilagdaan ng Tsina at 86 na bansa at organisasyong pandaigdig ang 101 kasunduan hinggil sa kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative. Ang malawak na kooperasyon ay sumasaklaw sa imprastruktura, production capacity, pamumuhunan, kabuhaya't kalakalan, pinansyo, siyensiya't teknolohiya, lipunan, at iba pa.
Bukod dito, mabilis na umuunlad ang kalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansang kalahok sa Belt and Road Initiative. Nitong 5 taong nakalipas, lumampas sa 5 trilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at mga bansang ito. Samantala, noong 2017, 14.2% ang paglaki ng halaga ng kanilang kalakalan. At ang halaga ng pag-aangkat ng Tsina mula sa mga bansang ito ay umabot sa mahigit 666 na bilyong Dolyares. Lumaki ito ng halos 20% kumpara sa taong 2016, at ang halagang ito ay katumbas ng halos 40% ng kabuuang halaga ng pag-aangkat ng Tsina.
Kaugnay ng Belt and Road Initiative, ipinalalagay ng mga ekspertong Tsino, na maganda ang inisyatibang ito, dahil ito ay makakabuti sa pag-unlad, hindi lamang ng Tsina, kundi rin ng daigdig. Anila, ang Belt and Road Initiative ay naglalayong palakasin ang pag-uugnayan ng iba't ibang bansa sa iba't ibang aspekto, at pasulungin ang globalisasyon at integrasyon, para makinabang dito ang mas maraming tao.
Ipinahayag din ng mga eksperto, na ang Belt and Road Initiative ay mahalagang landas ng pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas sa labas. Nananalig anila silang, sa hinaharap, sa ilalim ng inisyatibang ito, lilikhain ang bagong kalagayan ng pagbubukas ng Tsina, na mas malawak, mas malalim, at mas inobatibo. Sa pamamagitan nito, magdudulot ang Tsina ng mas maraming pagkakataon at pakinabang sa buong daigdig, anila pa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |