|
||||||||
|
||
Matagumpay na nailunsad kaninang madaling araw, Lunes, ika-21 ng Mayo 2018, mula sa Xichang Satellite Launch Center ng Tsina, ang isang communication relay satellite na may code name na "Queqiao," para sa Chang'e-4 lunar probe mission.
Tungkulin ng satellite na ito, na maghatid ng mga signal sa pagitan ng Earth station at Chang'e-4 lunar lander at rover, na nakatakdang ilunsad sa katapusan ng taong ito, at lalapag sa far side ng Buwan.
Kasama ng Queqiao, nailunsad din ang dalawang micro-satellite para sa obserbasyong pangkalawakan. Ang tatlong satellite din ay may lulang mga instrumento ng Tsina, Netherlands, at Saudi Arabia, para sa mga siyentipikong pananaliksik.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |