|
||||||||
|
||
SINABI ni Senate President Vicente Sotto III na mapag-uusapan pa ang impeachment case laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno kung ipadadala ng House of Representatives ang articles of impeachment sa kanila.
Wala umanong pipigilang pag-usapan ito kahit mayroong resolusyon ang 13 mga senador na nagsasabing ang Senado lamang ang may autoridad na magpatalsik sa sinumang impeachable officer tulad ni Gng. Sereno.
Kaya lamang, inamin ni Senador Sotto na wala silang magagawa sapagkat wala pang ipinadadala ang House of Representatives na impeachment complaint sa kanila.
Nabanggit ni Justice committee chairman Congressman Reynaldo Umali na maaaring hindi na ipadala ang impeachment complaint laban kay Gng. Sereno sapagkat baka magkaroon lamang ng constitutional crisis.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |