Martes ng umaga, Mayo 22, 2018, nagtipun-tipon sa Bangkok ang halos 1,000 mamamayang Thai, para magpahayag ng kawalang-kasiyahan sa pagpapaliban ng pamahalaan ng pagdaraos ng pambasang halalan. Nanawagan sila sa pamahalaan na idaos ang halalan sa loob ng taong ito.
Ang Mayo 22 ay ika-4 na anibersaryo ng paglulunsad ng panig-militar ng Thailand ng rebelyon para pabagsakin ang pamahalan ni Yingluck Shinawatra. Pagkatapos ng rebelyon, itinatag ang National Peace and Order Maintaining Committee at ipinagbawal ang mga aktibidad ng partido. Nanungkulan si Prayut Chan-ocha, dating Komander ng Hukbong Panlupa, bilang tagapangulo ng nasabing komisyon at punong ministro ng bansa. Palagiang nangangako siyang idaos ang pambansang halalan, at inilabas ang road map ng pagbalik sa paghahalal ng mga mamamayan, pero paulit-ulit na ipinagpaliban ang araw ng halalan.
Salin: Vera