WALANG dahilan upang mangamba ang madla sa dalawang kontratistang Trino na nakasama sa blacklist ng World Bank na lalahok sa rehabilitation ng Marawi City.
Ang China State Construction Engineering Corporation and China Geo Engineering Corporation, dalawang kumpanyang makakasama sa Bangon Marawi consortium na naitala ng World Bank noong 2009 sa pakikipagsabwatan sa mga kumpanyang nagmaneobra sa mga proyektong natustusan ng World Bank noong 2004.
Ang Task Force Bangon Marawi ang siyang nangangasiwa sa rehabilitation process at nagsabing wala na sa blacklist ng World Bank ang dalawang kumpanya. Natapos na ang kanilang suspension noong nakalipas na 2014 at 2015.
Ayon kay Secretary Harry Roque nararapat lamang bigyan ng panibagong pagkakataon ang mga kumpanyang ito.
Sinabi naman ni Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra na hindi nararapat mabahiran ng kontrobersya ang pagsasaayos ng napinsalang lungsod. Na sa kamay ng pamahalaan at ng developer kung papayagan ang mga kumpanyang ito na lumahok sa patrabaho sa Marawi City.