|
||||||||
|
||
TINULIGSA ni Ferdinand Gaite ng COURAGE ang pamahalaan sa pangunguna sa paglabag sa batas laban sa illegal contracting o sub-contracting.
Sa isang pahayag, sinabi ni G. Gaite na si Pangulong Duterte mismo ang nag-utos kay Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na magsumite ng talaan ng mga lumalabag sa batas. Nilagdaan din niya ang Executive Order No. 51 na sinasabing magtatapos ng kontraktualisasyon subalit inulit lamang ang napapaloob sa Labor Code o Herrera Law na pumapayag sa "labor contracting."
Ani G. Gaite, inilabas ni Secretary Bello ang talaan ng mgay 3,377 mga kumpanyang na pinangungunahan ng Jollibee Foods Corporation na mayroong 14,960 contractual workers, Dole Philippines na mayroong 10,521 at PLDT na mayroong 8,390. Ani G. Gaite, mas maganda sana kung isinama ang mga tanggapan sa pamahalaan na mayroong mga manggagawa na saklaw ng casual arrangements, job orders, contract of service at iba pa na umaabot sa 720,000. Mula ang bilang na ito sa 2.3 milyong kawani ng pamahalaan.
Ayon mismo sa Inventory of Government Human Resources ng Civil Service Commission noong 2016, ang 720,000 non-regular employees ay matatagpuan sa iba't ibang tanggapan ng pamahalaan tulad ng DPWH na mayroong 22,419, Department of Health, 21,424 at Department of Social Welfare and Development na mayroong 20,890. Mayroon ding 10,249 na casual workers sa Quezon City local government, Department of Agriculture, 9,496, Department of Transportation, 8,455, DENR, 8,123 at Department of Education na mayroong 6,602.
Ang mga manggagawang umaabot sa 420,000 ay mula sa may 1,715 local government units sa buong bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |