Bukas ay International Children's Day, at kahapon, sumagot si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista, Pangulo ng Central Military Commission, at Pangulo ng Tsina, sa liham mula sa mga mag-aaral ng Red Army Primary School ng Rehiyong Zhao Jin ng lalawigang ShaanXi ng Tsina. Sa liham, binati ni Pangulong Xi ang mga mag-aaral at iba pang mga bata sa buong Tsina sa naturang kapistahan.
Sinabi ni Xi, na napakasaya niya na pagtanggap ng liham mula sa mga mag-aaral ng Red Army Primary School. Umaasa aniya siya na mabuting pag-aaralan ng mga batang Tsino ang kaalaman
tungkol sa kasaysayan ng mga rebolusyon, konstruksyon at reporma ng Tsina. Kailangan aniyang makilala nila ang mga bayani sa kasaysayang Tsino, at mahalin ang Partido Komunista ng Tsina, inang bayan, at mga mamamayang Tsino. Sinabi rin ni Xi na umaasa siyang sa hinaharap, ang mga batang Tsino ay magiging matagumpay at kapaki-pakinabang para sa buong bansa, sa mga mamamayan at sa lipunan, at isasalin ang "red gene" sa susunod na henerasyon sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Salin:Sarah