|
||||||||
|
||
Idaraos ang Summit ng Shanghai Cooperation Orgnization (SCO) sa lunsod Qingdao ng lalawigang Shandong ng Tsina mula Ika-9 hanggang ika-10 ng susunod na buwan. Kaugnay nito, ipinahayag
sa Beijing ngayong araw ni Gao Feng, Tagapagsaita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na tiyak na magkakasamang magsisikap ang mga miyembro ng SCO para pasulungin ang Qingdao Summit, at mararating ang komong palagay sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan, para pataasin ang panrehiyong kooperasyon ng SCO sa bagong lebel para makapagdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan sa rehiyong ito.
Ayon sa estadistika, noong 2017, ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at mga miyembro ng SCO ay umabot sa 217.6 bilyong dolyares. Ito'y lumaki ng 19% kumpara sa gayon din panahon ng nagdaang taon. Lumaki rin ang kapuwa pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina. Noong unang kuwarter ng taong ito, patuloy na napanatili ang mainam na tunguhin ng paglaki ng halaga ng kalakalan ng Tsina at mga miyembro ng SCO.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |