|
||||||||
|
||
HIGIT sa 600 mga public schools ang kulang pa ng mga psilidad subalit ang higit sa 46,000 mga paaralan ay handa ng tumanggap ng mga mag-aaral sa darating na Lunes, ika-apat ng Hunyo.
Sinabi ni Undersecretary Tonisito Umali na handa na ang karamihan ng kanilang mga paaralang tumanggap ng kinder, elementary, junior and senior high school.
Bagaman, may problema ang higit sa 600 mga paaalan subalit 2.68 percent lamang sila ng buong bilang ng mga paaralan.
Ang mga problema ay posibleng may kinalaman sa mga silid-aralan, mga guro, palikuran, upuan, kawalan ng kuryente at tubig.
Nararapat lamang magkaroon ng isang silid aralan sa bawat 25 mag-aaral para sa kindergarten at isa sa bawat 40 sa Grade 1 hanggang senior high school. Kailangang magkaroon ng isang palikuran sa bawat 50 mag-aaral. Hindi naman nangangahulugang hindi magbubukas ang mga paaralan para sa mga kabataang papasok sa Lunes.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |