|
||||||||
|
||
SOBRA umano ng higit sa pitong milyong piso ang allowances na natanggap ni Solicitor General Jose Calida noong nakalipas na taon. Higit umano ito sa 70% ng P 10.77 milyong honoraria na ibinigay sa 15 opisyal ng Office of the Solicitor General para sa kanilang legal services.
Ito ang impormasyong mula sa Commission on Audit ayon sa kanilang annual audit report.
Ayon sa mga state auditor, nakatanggap si G. Calida ng P 8.376 milyon bilang allowances noong 2017 sa ilalim ng OSG-Financial Management Service o direktang tinanggap ang halaga.
Binabanggit sa COA circular 85-25-E na may petsang ika-25 ng Abril 1985 na nagsasaad na ang mga kawani ng pamahalaan ay makatatanggap lamang ng allowances na hindi hihigit sa 50% ng kanilang taunang sahod.
Nangangahulugan na si G. Calida na kumikita ng P 1.827 milyon ay makatatanggap lamang ng allowances na P 913,950.
Ito rin ang impormasyon hinggil kay G. Calida noong 2016 nang tumanggap siya ng P 1.123 milyon samantalang ang kanyang hinalinhan na si Solicitor General Florin Hilbay ay nakatanggap ng P 4.662 milyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |