Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahalaga ang Timog Korea sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2018-06-07 18:20:08       CRI

NANINIWALA si Finance Secretary Carlos Dominguez III na mahalaga ang papel ng Timog Korea sa kaunlarang nagaganap sa Pilipinas na ngayon ay nababanag na sa pagpapatupad ng may US$ 170 bilyong "Build, Build, Build" program.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga mangangalakal na Koreano, sinabi ni G. Dominguez na ang masinop na pamamalakad ng pananalapi, pagkakaroon ng maayos na debt service load at mas malaking nalilikom na salapi ang siyang magpapaunlad sa credit ratings na bansa. Ito rin ang magpapasigla sa agresibong programa sa mga pagawaing-bayan.

Ang papel ng South Korea sa Pilipinas ay nakikita sa tapat na pagtulong sa Build, Build, Build programs tulad ng Panguil Bay Bridge sa hilagang Mindanao at ang bagong International Container Port sa Cebu na sisimulan ngayon at magtatapos sa taong 2020.

Ang Timog Korea ang ika-anim na pinagkukunan ng official development assistance (ODA) sa pautang na umaabot sa US$ 570.6 milyon hanggang noong nakalipas na Disyembre, pinagmumulan ng pinakamaraming turista sa nakalipas na tatlong taon at ikalimang nangungunang trading partner ng bansa.

Idinagdag pa ni G. Dominguez na mayroong 1.6 milyong Koreano ang dumalaw sa Pilipinas na ika-apat na bahagi ng buong bilang ng mga turistang nakarating sa bansa. Kinakitaan din ito ng dagdag na siyam na porsiyento sa bawat taon. Ang bilateral trade ng dalawang bansa at umabot na sa US$ 10.61 bilyon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>