|
||||||||
|
||
SINABI ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia na mangangailangan ang karaniwang pamilya ng P 42,000 upang mabuhay ng maayos at may dignidad.
Inilabas ni Secretary Pernia ang pahayag matapos tuligsan si Undersecretary Rosemarie Edillon na nagsabing sasapat na ang P 10,000 bawat buwan para sa isang pamilyang may tatlong anak.
Ang halagang P 42,000 ay masasabing sasapat upang maka-angat sa poverty line. Kung may hanapbuhay ang mag-asawa na kikita ng tig-P 21,000 bawat buwan, hindi na sila magbabayad ng buwis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law.
Kung iisa lamang sa mag-asawa ang kikita ng P21,000 bawat buwan, hindi sasapat ang halaga, dagdag pa ng kalihim. Niliwanag niyang hindi naman niya inirerekomenda ang pasahod ng P 42,000 bawat buwan.
Anang kalihim, ang legislated wage increase ay magiging dahilan ng mas mataaas na inflation na makasasama sa ekonomiya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |