Sinimulan ngayong umaga, Linggo, ika-10 ng Hunyo 2018, sa Qingdao, lunsod sa silangang Tsina, ang malaking pulong ng Ika-18 Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO). Ito ay makaraang idaos ang isang maliit na pulong nauna rito.
Ang naturang pulong ay pinangunguluhan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Kalahok sa malaking pulong ang 8 kasaping bansa ng SCO, na kinabibilangan ng Tsina, Rusya, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Uzbekistan, India at Pakistan, at 4 na bansang tagamasid, na gaya ng Afghanistan, Belarus, Iran, at Mongolia. Kalahok din dito ang mga kinatawan mula sa mga organisasyong pandaigdig, na kinabibilangan ng United Nations.
Salin: Liu Kai