Sa kanyang talumpati sa malaking pulong ng Ika-18 Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), na idinaraos ngayong umaga, Linggo, ika-10 ng Hunyo 2018, sa Qingdao, lunsod sa silangang Tsina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang paggigiit sa "Diwa ng Shanghai" ay saligang dahilan, kung bakit napapanatili ng SCO ang bitalidad at malakas na hangarin sa kooperasyon.
Ipinaliwanag ni Xi, na ang Diwa ng Shanghai ay nagpopukus sa pagtitiwalaan, mutuwal na kapakinabangan, pagkakapantay-pantay, pagsasanggunian, paggalang sa kakaibahan ng sibilisasyon, at paghangad sa komong kaunlaran.
Ipinalalagay din ni Xi, na ang paggigiit sa Diwa ng Shanghai ay para itakwil ang mga lumang ideya ng sagupaan ng sibilisasyon, Cold War mentality, at zero-sum game. Ito aniya ay palatandaan ng bagong pahina sa kasaysayan ng relasyong pandaigdig, at ito rin ay kinikilala ng komunidad ng daigdig.
Salin: Liu Kai