Sa kanyang talumpati sa malaking pulong ng Ika-18 Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), na idinaraos ngayong umaga, Linggo, ika-10 ng Hunyo 2018, sa Qingdao, lunsod sa silangang Tsina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na kailangang itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng SCO.
Para rito, iniharap din ni Xi ang 5 mungkahi sa mga kasaping bansa. Una, palakasin ang pagkakaisa at pagtitiwalaan. Ikalawa, ipatupad ang plano hinggil sa kooperasyon sa paglaban sa terorismo, separatismo, at ekstrimismo mula 2019 hanggang 2021. Ikatlo, pasulungin ang pag-uugnayan ng mga estratehiyang pangkaunlaran. Ikaapat, pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga mamamayan. At ikalima, magkakasamang palawakin ang kooperasyong pandaigdig.
Salin: Liu Kai