Sa magkakasanib na preskon pagkaraan ng Ika-18 Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), na idinaos ngayong araw, Linggo, ika-10 ng Hunyo 2018, sa Qingdao, lunsod sa silangang Tsina, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na kailangang palakasin ng SCO ang bilateral at multilateral na kooperasyon sa mga larangan ng kultura, edukasyon, siyensiya, teknolohiya, pangangalaga sa kapaligiran, kalusugan, turismo, kabataan, media, at palakasan.
Ito aniya ay para pasulungin ang pagpapalitang pangkultura ng iba't ibang bansa, at palalimin ang pagkakaibigan ng kani-kanilang mga mamamayan.