Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dragon Boat team ng Pilipinas, nagwagi ng unang pwesto sa Beijing

(GMT+08:00) 2018-06-11 14:22:50       CRI

Napanalunan ng Philippine National Dragon Boat Team A ang unang pwesto at ikatlong pwesto naman ang Pilipinas Team B sa 500m Mixed Team category ng katatapos lamang na 2018 Beijing International Dragon Boat Invitational Tournament na naganap nitong Hunyo 9, 2018.

11 bansa ang kasali sa torneo na kinabibilangan ng mga bansang tulad ng Tsina, Ukraine, Russia, Chinese Taipei at Pilipinas.

Hermie Macaranas hawak ang tropeo para sa una at ikatlong pwesto ng 2018 Beijing International Dragon Boat Invitational Tournament.

Ayon kay Hermie Macaranas, member ng Philippine Canoe, Kayak & Dragon Boat Federation, bahagi ng kanilang game plan ang paggawa ng isang solid na team mula sa 27 miyembro. Aniya "Hindi po namin hinati talaga na pantay-pantay ang lakas. Kung baga nag-solid po kami ng (isang) team. Parang nagulat kami kasi dalawang yung (team na ) makakapasok. Kaya laking tuwa namin kasi talagang gitgitan na rin. Kasi pag-3rd ka di ka makakapasok sa final kaya ang ginawa namin talagang bakbakan na."

Sa pagdiriwang ng Pasuguan ng Pilipinas ng Ika-120 Araw ng Kalayaan sa Beijing nitong Hunyo 10, 2018 ipinakilala ang buong team ni Ambassador Jose Santiago Sta. Romana. Mainit ang pagtanggap ng mga Pinoy sa mga kampyeon na lumaban sa Beijing sa unang pagkakataon.

Ayon kay Macaranas, "Masayang masaya po kasi siyempre na timing po na andito kami lahat at inanyayahan kaming pumunta sa (pasuguan). Tuwang tuwa po kami kasi minsan lang sa buhay naming makapunta sa embassy ng Pilipinas sa China. Napakasaya! Para kaming lumulutang sa langit. Ang daming Pinoy. Pag pumupunta sa ibang bansa, kami lang ang Pinoy doon para kaming aping-api. Pagpunta namin ngayon, parang di lang kami nag-champion maiuuwi namin yung tagumpay na nakangiti kasi ang daming Pinoy sa China."

Matapos makasalo sa pagdiriwang ng kanilang tagumpay ang Filipino community sa Beijing, babaunin ng Philippine National Dragon Boat Team ang panalangin mula sa mga kababayan at tutulak ang grupo patungong Shenzhen, siyudad sa dakong timog ng Tsina kung saan lalaro ang Philippine National Men´s Team sa 20 seater race at 10 seater para naman sa Women´s Team.

Ang laban sa Beijing ay bahagi ng paghahanda ng grupo sa gaganaping kompetisyon sa Palembang, Indonesia.

Ibinahagi rin ni Macaranas na "Sa hinaharap (nawa) makuha po namin ang lahat ng pangarap po namin bilang isang atleta, tapos bilang isang Pilipino para i-angat ang bandera sa kung saan saang laro. Sana maging successful ang lahat ng races at pupuntahan naming iba't ibang events."

Ipinakilala ni Ambassador Jose Santiago Sta. Romana ang Philippine National Dragon Boat Team sa Filipino Community na dumalo sa pagdiriwang Ika-120 Araw ng Kalayaan sa pasuguan.

Napanalunan ng Pilipinas Team A ang unang pwesto sa oras na 2 minuto at 13 segundo, samantala ang Tsina na nasa ikalawang pwesto ay natapos sa oras na 2 minuto at 18 segundo at ang Pilipinas Team B na nasa ikatlong pwesto ay nagtala ng oras na 2 minuto at 22 segundo.

Sa susunod na taon umaasa ang grupo na makakabalik sa Beijing para lumahok sa Asian Championship ng Dragon Boat.

Ulat at Larawan Mac Ramos
Edit: Jade/Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>