Idinaos kahapon, Lunes, ika-11 ng Hunyo 2018, sa lalawigang Kampong Thom sa gitnang Kambodya, ang seremonya ng pagsasaoperasyon ng National Highway 6, kung saan isinagawa ang renobasyong pinonduhan ng preperensyal na pautang ng Tsina.
Sa seremonya, sinabi ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya, na ang pag-unlad ng Tsina ay nagdudulot ng positibong epekto sa maraming bansa ng daigdig, na kinabibilangan ng kanyang bansa. Marami aniyang pakinabang ang Kambodya sa kooperasyon ng Belt and Road Initiative.
Sinabi naman ni Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya, na ang National Highway 6 ay isa sa mga pinakamahalaga at pinaka-siksikang lansangan ng Kambodya. Umaasa aniya siyang, ang renobasyon sa lansangang ito ay makakatulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan ng Kambodya.
Salin: Liu Kai