Wolong, Lalawigang Sichuan ng Tsina— Sa panahon ng gaganaping 2018 FIFA World Cup, magkasamang itataguyod ng China Conservation and Research Center for Giant Panda at iPanda channel ang ilang aktibidad kaugnay ng putbol.
Mula Hunyo 14 hanggang Hulyo 15, lalahukan ng 8 baby panda na ipinanganak noong 2017 ang mga katangi-tanging aktibidad na gaya ng paligsahan ng putbol ng mga giant panda, perya ng World Cup ng mga giant panda, paligsahang pangkaalaman tungkol sa mga giant panda, at iba pa. Sa pamamagitan ng nasabing mga nakatutuwang aktibidad, nadaragdagan ang pananabik sa World Cup, at pinapalaganap din ang kaalaman hinggil sa mga giant panda.
Salin: Vera