|
||||||||
|
||
BUMAGSAK ang bentahan ng mga sasakyan sa Pilipinas noong nakalipas na Mayo. Ayon sa pinagsanib na ulat ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc., mula sa 158,533 sasakyang naipagbili noong Enero hanggang Mayo ng 2017, umabot lamang sa 142,240 unit ang nabili mula Enero hanggang Mayo ng taong ito.
Bumagsak ang benta ng 10.3%.
Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI, pinakamababa ang benta ng Asian Utility Vehicles na kinakitaan ng pagbaba ng 26.9% sa bentang 23,218 ngayong taon mula sa 31,701 noong nakalipas na taon.
Laglag din ang benta ng Light Trucks mula sa 3,776 na unit noong 2017, umabot lamang sa 2,767 units ang nabili mula Enero hanggang Mayo ng taong ito.
Bagsak din ang benta ng commercial vehicles ng sampu't kalahating porsiyento.
Sinabi ni Atty. Rommel Gutierrez na umaasa pa ring makakabawi ang industriya ng mga sasakayan matapos baguhin ng pamahalaan ang pagbubuwis
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |