|
||||||||
|
||
SINABI ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na hindi papayag ang pamahalaan na mamasok ang grupong Kadamay sa mga bagong pabahay para sa mga pulis at kawal. Nagtangka ang Kadamay na pumasok sa pabahay sa Rodriguez, Rizal kahapon.
Sa isang press briefing sa Malacanang, sinabi ni Secretary Roque na inutusan na ni Pangulong Duterte ang pulisya na pagbawalan ang mga kasapi ng Kadamay na pumasok sa mga bakanteng gusali tulad nang ginawa ng grupo sa pabahay sa Pandi, Bulacan noong nakalipas na taon.
Sinabi ni Secretary Roque na ang naganap sa Bulacan ang una't huli sa ginawa ng Kadamay.
Samantala, sinabi ni Gloria Arellano, national chairman ng Kadamay matapos mapalitan ang mga original na nararapat makinabang sa pabahay at natungo sa iba ang pribelehiyo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |