MAGREREKLAMO at maghahabla ni dating Davao City vice mayor Paolo Duterte laban kay Senador Antonio Trillanes IV sa pagdadawit sa kanya sa pagpupuslit ng P 6.4 bilyong halaga ng shabu noong nakalipas na taon.
Sinira umano ni Senador Trillanes ang kanyang reputasyon at pagkatao sa paghahabi ng mga kasinungalinan at pagkakalat ng black propaganda laban sa kanya.
Sa panig ni Senador Trillanes, tanging paglalayo ng usapin sa mga nagaganap sa bansa ang gagawin ng anak ng Pangulong Duterte. Naipakita umano niya sa Senado na mayroong circumstancial at direct evidence sa koneksyon ni Paolo Duterte sa mga taong nasa likod ng pagpupuslit. Makikita rin ito sa pahayag ni Mark Taguba, Haharapin umano niya ang usapin.