Ipinahayag noong ika-14 ng Hunyo, 2018, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakahanda ang Tsina na palakasin ang kooperasyon nila ng mga bansang Arabe sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI), sa production capacity, rekonstruksyon pagkaraan ng digmaan, makataong pag-unlad, pagpapalitang kultural at iba pa.
Idaraos ang ika-8 Pulong na Ministeryal ng Forum ng Kooperasyon ng Tsina at mga Bansang Arabe sa ika-10 ng Hulyo, 2018, sa Beijing. Dadalo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kasama ng Pangkalahatang Kalihim ng League of Arab States(LAS) at mga Ministrong Panlabas o kinatawan ng mga bansang Arabe.
Salin:Lele