|
||||||||
|
||
Ikinagagalak ni Nicolas Cage, sikat na Hollywood actor ang muling paglahok sa Shanghai International Film Festival (SIFF). Sa kauna-unahang pagkakataon ay makikita siya sa Red Carpet ng Seremonya ng Pagbubukas ng film festival na gaganapin Hunyo 16, 2018 sa Shanghai Grand Theatre.
Sa presscon na ginanap ngayong araw sa Crowne Plaza Hotel sinabi niyang taos puso ang pasasalamat niya sa mga loyal fans sa Tsina. Ang mga fans ang dahilan kung bakit naipagpapatuloy niya ang paggawa ng mga pelikula na tunay na malapit sa puso niya.
Hinggil sa mga pelikulang lumalaban para sa mga awards ngayong taon sa 2018 SIFF, ipinalalagay ni Nicolas Cage na ang perpektong pelikula dapat ay may "Super 8 feeling." Ito ang camerang ginamit niya noong kabataan. Sa murang edad talagang hilig na niya ang paggawa ng pelikula at hindi importante ang mga gawad o kita, pinakaimportante ang istorya. At sa kanyang mahabang karera bilang artista, may ilang beses niyang naramdaman ang "Super 8 feeling" kung saan ang mga taong lumilikha ng pelikula ay tunay na may pagmamahal sa sining na ito tulad ng mga pelikulang Raising Arizona at Mandy.
Ibinahagi rin ni Cage na malapit nang lumabas ang latest action-thriller film niya na pinamagatang "Primal."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |