Ipinahayag Sabado ng gabi, Hunyo 16, 2018, ng "Islamic State (IS)" sila ang may-kagagawan ng car bombing attack sa isang pagtitipon sa Dzhalal-Abad, kapital ng probinsyang Nanagarhar sa dakong silangan ng Afghanistan.
Upang ipagdiwang ang tigil-putukan sa pagitan ng pamahalaan ng Afghanistan at Taliban sa panahon ng Lesser Bairam, nagtipun-tipon Sabado ng hapon ang maraming tao sa isang purok ng Dzhalal-Abad kung saan pinasabog ng IS ang isang saakyang de motor. Ayon sa ulat, ito ay isang suicide boming incident. Hanggang sa kasalukuyan, di-kukulangin sa 26 katao ang naitalang namatay, samantalang 54 na iba pa ang sugatan. Kabilang sa mga namatay ay mga miyembro ng Taliban, tauhang panseguridad ng Afghanistan, at iba pa.
Salin: Li Feng