Magkasamang ipinatalastas noong ika-19 ng Hunyo, 2018 ng Timog Korea at Amerika na ititigil ang magkasanib na pagsasanay-militar upang maisakatuparan ang ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula at maitatag ang pangmatagalang mekanismo ng kapayapaan. Ang nasabing pagsasanay-militar na may code name na UFG ay itinakda sanang idaos sa Agosto ng taong ito.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagslita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtanggap at positibong atityud. Aniya, ito ay positibo at konstruktibong hakbangin. Umaasa aniya ang Tsina na magsisikap ang iba't ibang panig para mapasulong ang pulitikal na paglutas sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
salin:Lele