PASADO na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ikalwang bahagi ng inayos na Armed Forces of the Philippines Modernization Program. Ito ang sinabi ni DND Spokesperson Arsenio Andolong. Ipatutupad ang program mula ngayon hanggang 2022 at maglalaan ng halagang P 300 bilyon.
Ayon kay G. Andolong, pag-uusapan na ng Department of National Defense at Department of Budget and Management kung paano mapopondohan ang proyekto. Sinimulan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang AFP Modernization Program na nahahati sa tatlong bahagi. Ang Horizon 1 ay nagsimula noong 2013 at nagtapos noong nakalipas na taon. Ang Horizon 2 ay ipatutupad ngayong taon hanggang 2022 samantalang ang Horizon 3 ay mula 2023 hanggang 2028.
Transition period umano ang Horizon 2 mula sa internal security operations patungo sa territorial defense at napapagitna ang ikalawang programa. Sa ilalim ng ikalawang bahagi ng programa, ang Philippine Army ay mangangailangan ng mga hinihila at self-propelled howitzers, multiple launch rocket system, mga tangkeng maliliit.