|
||||||||
|
||
Sinabi ni Xi, na iginigiit ng Tsina ang mapayapang pag-unlad, hindi isasagawa ang ekspansiyonismo at kolonyalismo, at hindi idudulot ang kaguluhan sa daigdig.
Ani Xi, ang relasyong Sino-Amerikano ay isa sa mga pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig, at ang magandang pag-unlad nito ay magdudulot ng benepisyo sa dalawang bansa at mga mamamayan nito, at makakabuti rin sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyon at daigdig. Dagdag ni Xi, habang pinahahalagahan ang mga komong interes ng Tsina at Amerika, hindi dapat ipagwalang-bahala ang mga pagkakaiba ng dalawang bansa. Matatag at maliwanag aniya ang atityud ng Tsina sa mga isyung may kinalaman sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.
Sinabi rin ni Xi, na nitong ilang taong nakalipas, mainam ang pag-unlad ng relasyon ng mga tropa ng Tsina at Amerika. Aniya, ang pagpapalakas ng dalawang tropa ng pagpapalagayan at pag-uugnayan sa iba't ibang antas ay makakatulong sa pagpawi ng pagdududa, at pag-iwas sa maling pagkakaunawaan at mga di-inaasahang insidente.
Ipinahayag naman ni Mattis ang lubos na pagpapahalaga ng panig Amerikano sa relasyon ng dalawang bansa at dalawang tropa. Nakahanda aniya ang Amerika, kasama ng Tsina, na batay sa mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, palakasin ang pag-uugnayan ng dalawang tropa, palawakin ang kooperasyon, kontrolin ang mga panganib, at iwasan ang sagupaan at konprontasyon. Ito ay para ang relasyon ng mga tropa ng Amerika at Tsina ay maging konstruktibong elemento sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, dagdag ni Mattis.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |