|
||||||||
|
||
Huwebes, Hunyo 28, 2018, inilabas ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang "Tsina at World Trade Organization (WTO)." Ito ang kauna-unahang pagpapalabas ng Tsina ng white paper tungkol sa isyung ito.
Layon ng pagpapalabas ng nasabing white paper na komprehensibong isalaysay ang praktika ng Tsina sa pagpapatupad ng pangako nito sa pagsapi sa WTO, ipaliwanag ang simulain, paninindigan, at patakaran ng Tsina sa pagsali sa konstruksyon ng multilateral na sistemang pangkalakalan, at ilahad ang adhikain at aksyon sa pagpapasulong ng pagbubukas sa labas, sa mas mataas na lebel.
Tinukoy ng white paper na sapul nang sumapi ang Tsina sa WTO noong 2001, walang humpay nitong pinabuti ang sistema ng socialist market economy, at totoong tinupad ang pangako sa pagbubukas ng mga paninda at serbisyo. Pinalakas din anito ng Tsina ang pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip o IPR, at gumawa ng ambag para sa mabisang pagtakbo ng sistema ng multilateral na kalakalan.
Anang white paper, pagkaraang sumapi sa WTO, sa mula't mula pa'y buong tatag na kinakatagan ng Tsina ang sistema ng multilateral na kalakalan, at komprehensibong nakikisangkot sa iba't ibang gawain ng WTO. Pinapasulong ng Tsina ang pagbibigay ng WTO ng mas malaking pagpapahalaga sa pagkabahala ng mga umuunlad na kasapi, tinututulan ang unilateralismo at proteksyonismo, at pinangangalagaan ang awtoridad at episyensiya ng sistema ng multilateral na kalakalan, anito pa. Pinapasulong anito ng Tsina, kasama ng iba't ibang kasapi, ang pagpapatingkad ng WTO ng mas malaking papel sa proseso ng globalisasyong pangkabuhayan.
Dagdag pa ng white paper, buong tatag na iginigiit ng Tsina ang estratehiya ng pagbubukas sa labas na may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, sinusunod ang ideya ng WTO sa malayang kalakalan, at isinasabalikat ang responsibilidad ng isang malaking bansa sa proseso ng pagbubukas sa labas.
Tinukoy pa ng white paper na ang hakbang ng Tsina sa pagbubukas sa labas ay hindi lamang limitado sa pangako nito sa pagsapi sa WTO. Sa harap ng napakasalimuot at pabagu-bagong globalisasyong pangkabuhayan, sinusunod din ng Tsina ang tunguhin ng pag-unlad ng panahon at daigdig, buong tatag na pinapalawak ang pagbubukas sa labas, at walang humpay na nililikha ang mas komprehensibo, malalim at dibersipikadong kayarian ng pagbubukas sa labas, para maisakatuparan ang mas malawakang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |