Inilabas Huwebes, Hunyo 28, 2018, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang "Tsina at World Trade Organization (WTO)." Anang white paper, ang pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip o IPR ay kusang-loob na aksyon ng Tsina. Pagkaraang sumapi sa WTO, itinatag at kinumpleto ng Tsina ang mga batas at regulasyon sa IPR, tuluy-tuloy na pinag-ibayo ang pagpapatupad ng batas sa pangangalaga sa IPR, at kapansin-pansin ang natamong bunga sa larangang ito.
Anang white paper, sapul noong 2001, umabot sa 17% ang karaniwang taunang paglaki ng pagbabayad ng Tsina sa mga dayuhang may-ari ng IPR, at noong 2017, 28.6 bilyong dolyares ang ganitong gastos. Noong 2017, natanggap ng Tsina ang 1.382 milyong invention patent application, na nanguna sa buong daigdig nitong nakalipas na 7 taong singkad. Ayon sa World Intellectual Property Organization, noong 2017, sa pamamagitan ng Patent Cooperation Treaty, iniharap ng Tsina ang 51,000 patent application, na pangalawa sa daigdig, kasunod ng Amerika.
Salin: Vera