Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, may kompiyansang sinagot ang mga tanong bilang kasapi ng WTO

(GMT+08:00) 2018-06-28 21:35:36       CRI

Huwebes, Hunyo 28, 2018, inilabas ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang "Tsina at World Trade Organization (WTO)." Ito ang kauna-unahang pagpapalabas ng Tsina ng white paper tungkol sa isyung ito. Sistematikong isinalaysay ng white paper ang praktika ng Tsina sa pagpapatupad ng pangako nito sa pagsapi sa WTO, ipinaliwanag ang simulain, paninindigan, at patakaran ng Tsina sa pagsali sa konstruksyon ng multilateral na sistemang pangkalakalan, at inilahad ang adhikain at aksyon sa pagpapasulong ng pagbubukas sa labas, sa mas mataas na lebel. Ang nasabing white paper ay makakatulong sa pag-unawa ng mga tao ng ginawang ambag ng Tsina sapul nang sumapi sa WTO, at dahil ng pagkatig nito sa sistema ng multilateral na kalakalan na ang nukleo nito ay WTO.

Pagtupad ng Tsina ng mga pangako nito sa pagsapi sa WTO

Sa simula ng pagsapi sa WTO, sa harap ng kompetisyong pandaigdig, napakahirap para sa karamihan ng mga industriya ng Tsina. Halimbawa, malayung-malayo sa mga maunlad na bansa ang sasakyang de motor na yari ng Tsina, at umabot sa 100% ang taripa ng pag-aangkat ng sasakyang de motor. Pagkaraang sumapi sa WTO, bumaba sa 25% ang taripa ng inangkat na sasakyang de motor ng Tsina, at salipitang isinagawa ng mga bahay-kalakal ng kotse ang malawakang pagrereorganisa ng ari-arian, at walang humpay na binuksan ang pamilihan sa puhunang dayuhan. Ayon sa estadistika, noong 2017, tumaas sa 37.91 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng inangkat na sasakayang de motor na may 1.5-3 L na engine displacement ng Tsina, mula 890 milyong dolyares noong 2001. Iniluwas ng bansa ang 891,000 sasakyang de motor.

Nitong nakalipas na 17 taon sapul nang sumapi sa WTO, kaugnay ng tatlong pangako ng Tsina sa kalakalan ng paninda, kalakalan ng serbisyo, at pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip o IPR, malawakang sinuri at sinusugan ng Tsina ang mahigit 2300 batas at regulasyon ng pamahalaang sentral, at mahigit 190,000 patakaran at regulasyon ng mga pamahalaang lokal, at itinatag ang legality review mechanism para suriin ang mga normative document. Samantala, malaking pinababa ang taripa ng pag-aangkat, malawakang binuksan ang pamilihan ng serbisyo, at kusang-loob na pinalakas ang pangangalaga sa IPR. Hanggang Agosto ng 2010, tinupad na ang lahat ng pangako ng Tsina sa pagsapi sa WTO.

Kahit hindi itinitigil ang duda ng ibang bansa sa "pagtupad ng Tsina ng mga pangako sa pagsapi sa WTO," lubos na kinikilala ng karamihan ng mga kasapi ng WTO ang kilo ng Tsina sa pagtupad ng pangako. Naging A+ ang pagtasa ni Pascal Lamy, dating Direktor Heneral ng WTO, sa ginawang pagsisikap ng Tsina.

Ambag ng Tsina bilang kasapi ng WTO

Malaking bansa ng pagluluwas, at malaki rin ang bolyum ng pag-aangkat ng Tsina. Noong 2000, isang taon bago sumapi ang Tsina sa WTO, ito ay ika-7 pinakamalaking bansa sa pagluluwas at ika-8 pinakamalaking bansa sa pag-aangkat. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay nangunguna sa pagluluwas at pumapangalawa sa pag-aangkat sa buong mundo. Bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, pinakamalaking bansa sa kalakalan, bansang may pinakamaraming pumapasok na direktang puhunang dayuhan (FDI), at bansang ikalawa sa dami ng puhunan sa mga bansang dayuhan, lumalago ang kabuhayang Tsino dahil sa pagbubukas sa labas. Bunga nito, malaki rin ang ambag ng Tsina sa pagpapanumbalik at paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Sapul noong 2002, isang taon makaraang sumapi ang Tsina sa WTO, umabot sa humigit-kumulang 30% ang karaniwang taunang ambag ng Tsina sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Mula 2001 hanggang 2017, tumaas sa 467.6 na bilyong US dollar mula sa 39.3 bilyong US Dollar ang pag-aangkat ng Tsina ng serbisyo, bagay na nagdulot ng 16.7% karaniwang taunang paglaki. Katumbas ito ng halos 10% ng kabuuang halaga ng pag-aangkat ng serbisyo sa daigdig.

Nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma't pagbubukas sa labas, 700 milyong mahihirap na mamamayang Tsino ang naibsan ang karalitaan, ayon sa pamantayan ng United Nations (UN), at ito ay katumbas ng 70% ng kabuuang mahirap na populasyon ng daigdig.

Noong 2017, nagsilbi ang Tsina bilang pangunahing partner ng mahigit 120 bansa't rehiyon. Nang taon ring iyon, umabot sa 10.2% ang proporsyon ng halaga ng pag-aangkat ng mga paninda ng Tsina sa kabuuang pandaigdig na pag-aangkat, samantang umabot sa 12.8% ang proporsyon ng halaga ng pagluluwas ng mga paninda ng Tsina sa kabuuang pandaigdig na pagluluwas.

Noong 2017, lumampas sa 130 milyong person-time ang mga turistang Tsino na naglakbay sa ibayong dagat, at umabot sa 115.29 bilyong US dollar ang kanilang gastos. Nakatulong ito sa paghahanap-buhay at pag-unlad ng kabuyahan ng mga bansang dayuhan.

Mula 2001 hanggang 2017, umakyat sa 136.32 bilyong US dollar mula sa 46.88 bilyong US dollar ang direktang puhunang dayuhan (FDI) sa Tsina; nagkaroon ito ng 6.9% karaniwang taunang paglaki. Bunga nito, 29 taong singkad na nangunguna ang Tsina sa mga umuunlad na bansa pagdating sa saklaw ng pumasok na FDI. Samantala, noong 2017, pumangatlo ang Tsina sa mga kasapi ng WTO pagdating sa taunang halaga ng direktang puhunan sa ibayong dagat; noong 2001, ang puwesto ng Tsina ay ika-26.

Sapul nang iharap ng Tsina ang Belt and Road Initiative (BRI) noong 2013, hanggang 2017, nakilahok ang mga bahay-kalakal ng Tsina sa pagtatatag ng 75 sonang pangkooperasyon sa kabuhaya't kalakalan sa mga bansang dayuhan sa kahabaan ng Belt and Road. Kasabay nito, 1.6 bilyong US dollar ang binayad nilang taripa, at 220,000 trabaho ang nalikha sa nasabing mga bansa.

Inspirasyon sa daigdig na dulot ng praktika ng Tsina sa pagsapi sa WTO

Naging pundasyon ng kalakalang pandaigdig ang sistema ng multilateral na kalakalan na ang nukleo nito ay WTO. Nagpatingkad ito ng namumunong papel sa pagpapasulong ng pag-unlad ng kalakalang pandaigdig, at pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig. Sa kasalukuyan, lumitaw ang dudang nawawalan ng bisa o hindi ang WTO. Lalung lalo na, sa ilalim ng kalagayang walang humpay na ini-a-upgrade ang proteksyonismong pangkalakalan, at matumal ang multilateral na mekanismong pandaigdig, madalas na lumitaw ang paglunsad ng ilang kasapi ng alitang pangkabuhaya't pangkalakalan, hindi sa pamamagitan ng WTO.

Walang duda, ang pagpapalabas ng Tsina ng nasabing white paper ay nagbigay ng malinaw na sagot ng Tsina, bilang isang bansang nakikinabang sa globalisasyon. Ibig sabihin, buong tatag na tinututulan ng Tsina ang unilateralismo at proteksyonismo, at matibay na kinakatigan ang sistema ng multilateral na kalakalan. Para rito, nagkaloob ang Tsina ng mga pragmatiko't mabisang pagkatig sa mga umuunlad na kasapi ng WTO na gaya ng serong taripa. Bukod dito, sa pamamagitan ng mga mekanismo ng multilateral na kooperasyon na gaya ng Belt and Road Initiative, at Free Trade Agreement (FTA), ipinagkaloob nito ang produktong pampubliko sa buong mundo, para makinabang dito ang mas maraming kasapi, at maisakatuparan ang komong kasaganaan.

Kasabay ng mas malawakang pagbubukas ng Tsina, matatayang makikinabang sa pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina ang daigdig. Kung susundin at pangangalagaan ng iba't ibang bansa ang regulasyon ng WTO, at kakatigan ang bukas, maliwanag, inklusibo't walang-pinapanigang sistema ng multilateral na kalakalan, saka lamang itatatag ang community with a share future.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>