Huwebes, Hunyo 28, 2018, ginanap sa Punong Himpilan ng United Nations (UN) sa New York ang pulong sa mataas na antas ng mga namamahalang tauhan ng mga organo ng mga kasapi ng UN laban sa terorismo. Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Ma Zhaoxu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na kinakatigan ng panig Tsino ang pagpapaibayo ng komunidad ng daigdig ng pagbibigay-dagok sa terorismo, ayon sa bagong tunguhin at bagong katangian ng terorismo.
Ipinangako rin niyang patuloy na ipagkakaloob ng Tsina, sa abot ng makakaya, ang mga tulong na gaya ng materyal at pondo laban sa terorismo at pagsasanay sa mga umuunlad na bansa. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa, na magkakasamang bigyang-dagok ang terorismo, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng daigdig.
Salin: Vera