Ipinahayag Hunyo 30, 2018, dito sa Beijing ni Nguyen Thanh Tuyen, Pangalawang Puno ng Departamento ng Teknolohiya ng Impormasyon ng Ministri ng Impormasyon ng Biyetnam na ang Biyetnam at Tsina ay mahalagang pamilihang pangkalakalan. Aniya, kahit maliit pa ang kooperasyon ng dalawang panig sa teknolohiya ng impormasyon o IT, malaki ang potensyal nito.
Ipinahayag ito ni Nguyen sa New Generation Information Technology International Cooperation Forum. Aniya, naaprubahan ng pamahalaan ng Biyetnam ang "Plano ng Pagpapaunlad ng IT sa 2020 at Pananaw sa 2025." Ito ay nagpopokus sa pagpapalawak ng paggamit ng IT at pag-akit ng dayuhang pamumuhunan, dagdag niya. Ani Nguyen, tinatanggap ng Biyetnam ang paglahok ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa pag-unlad ng industrya ng software ng bansa.
salin:Lele