|
||||||||
|
||
SA Ikalawang Anibersaryo ng "Wednesday Roundtable @ Lido," pag-uusapan ang nagawa ng pamahalaang Duterte upang masugpo sa pamamagitan ng kampanya laban sa illegal drugs na siyang prayoridad ng administasyon mula pa noong unang araw ng Hulyo, 2016.
Pangungunahan ni Director Derrick Arnold Carreon ng Philippine Drug Enforcement Agency ang lupon ng mga magbabahagi ng datos. Kasama rin sa lupon si Gng. Teresita Ang See, pangulo ng Movement for the Restoration of Peace and Order. Makadadalo rin upang magbahagi ng impormasyon kung paano nararapat siyasatin ng pulis ang mga lumalabag sa batas sa pamamagitan ni Atty. Ramil Gabao, chairperson ng Board of Criminology ng Professional Regulation Commission.
Panauhin din si Director Karl Cesar Rimando ng National Barangay Operations Office ng Department of Interior and Local Government at Engr. Ronaldo Liveta ng Commission on Higher Education.
Magbabahagi rin si Atty. Sikini Labastilla ng Caloocan City Anti-Drug Abuse Council ng kanilang mga karanasan sa pagsugpo sa illegal drugs.
Magugunitang ang pinakapuso ng programa ni Pangulong Duterte ay ang pagpigil sa illegal drugs.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |