Ipinahayag Hulyo 3, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kasalukuyang isinasagawa ng mga bahay-kalakal ng Tsina at Sri Lanka ang pagtutulungan sa proyekto ng Hambantota Port, batay sa prinsipyong may mutuwal na kapakinabangan.
Winika ito ni Lu bilang tugon sa ulat kamakailan ng US media na isang debt trap ang pagkakaloob ng Tsina ng nasabing daungan at di umano'y para sa kanyang intensyong militar dito.
Sinabi ni Lu na ang pagtatatag ng Hambantota Port ay nagsisilbing mithiin ng pamahalaan at mga mamamayan ng Sri Lanka. Kinakatigan aniya ng Tsina ang pakikipagtulungan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa counterpart ng Sri Lanka, sa pamamagitan ng pantay-pantay na kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at regulasyong komersyal. Aniya, alinsunod sa kahilingan ng Sri Lanka, nagbigay ang mga institusyong pinansyal ng Tsina ng tulong na pondo, at assets allocation sa proyektong ito. Ito aniya'y para pasulungin ang pagtutulungang komersyal ng dalawang panig.