Ang Hotpot ay paboritong pagkain ng mga taga-Chongqing ng Tsina, pero ngayon, kasabay ng pagdating ng summer, napaka-init kung kakain sila ng hotpot. Kaya, si Ginoo Cheng, boss ng isang Hotpot Restaurant, ay nag-isip ng isang matalinong ideya: itinayo niya ang isang "Hotpot restawran sa swimming pool" kaya maaaring kumain ng hotpot ng mga tao habang nakalublob sa malamig na tubig. Naglagay din si Ginoo Cheng ng mga goldfish sa loob ng pool, kaya habang kumakain ng hotpot, maaaring maglaro ang mga customers kasama ng mga goldfish.