|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon, Biyernes, ika-6 ng Hulyo 2018, ni Xulio Rios, Direktor ng Observatory of Chinese Policy ng Espanya, na ang layunin ng aksyong ito ng Amerika ay pagpapanatili ng hegemonya nito sa daigdig, at paghahadlang sa pag-ahon ng Tsina. Ipinalalagay din niyang, ang epekto ng kasalukuyang digmaang pangkalakalan sa buong mundo ay makakaabot sa lebel ng pandaigdig na krisis na pinansyal na sinimulan noong 2008.
Sinabi naman ni Siegfried Bracke, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Belgium, na ang pagpapataw ng isang economy ng karagdagang taripa sa ibang economy ay labag sa tuntunin ng malayang kalakalan.
Tinukoy naman ng British Broadcasting Corporation (BBC), na sa kasalukuyang digmaang kalakalan, hindi lamang ang Tsina at Amerika ay mga biktima, maaapektuhan din ang mga bansa at rehiyong, gaya ng Timog Korea, Singapore, at Taiwan, dahil sa pagsira ng digmaang kalakalan sa pandaigdig na supply chain.
Ayon naman sa Bloomberg News, ikinababalisa ng mga tagapaggawa ng integrated circuit ng Amerika ang resulta ng digmaang pangkalakalan ng bansang ito at Tsina. Dahil ayon sa pagtaya ng mga kompanyang ito, ang kapinsalaan nila ay magiging mas malaki sa mga kompanyang Tsino. Anila, ang naturang aksyon ng pamahalaang Amerikano ay makakapinsala sa interes ng mga kompanya ng sariling bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |