Kasabay ng pagpasok sa tag-init, nagiging mas mainit rin ang paglalakbay sa Dunhuang. Ang Dunhuang ay isang kilalang lunsod sa lalawigang Gansu ng Tsina. Noong sinaunang panahon, ito ay mahalagang lunsod sa sinaunang Silk Road, kaya makikita rito ang maraming mga relikyang pangkultura at iba pa. Ngayon, naging kilalang lunsod ito na panturismo sa Tsina. Ayon sa estadistika, noong unang hati ng taong ito, pinuntahan ang Dunhuang ng 1.35 milyong tao at lumaki ng 20.43% ang bilang kumpara sa gayon din panahon noong isang taon.