Sa pulong ng Central Committee for Financial and Economic Affairs na idinaos kahapon, Biyernes, ika-13 ng Hulyo 2018, sa Beijing, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat palakasin ang kakayahan sa inobasyon sa mga masusi at mahalagang teknolohiya, para magbigay ng malakas na garantiyang panteknolohiya sa pag-unlad ng bansa.
Ayon sa isang pahayag ng pulong, nitong ilang taong nakalipas, malaking napalakas ang kakayahan ng Tsina sa inobasyong panteknolohiya, pero marami pang pagsisikap ang kailangang gawin, para makaabot sa maunlad na lebel ng daigdig ang lebel ng pag-unlad ng teknolohiya ng Tsina, lalung-lalo na sa mga masusi at mahalagang teknolohiya.
Anang pahayag, dapat itatag ang mekanismo para palakasin ang pagpapaunlad ng mga masusi at mahalagang teknolohiya, at buuin ang mga may kinalamang sistema at bagong plataporma bilang pagsuporta.
Salin: Liu Kai