Natapos kahapon, Biyernes, ika-13 ng Hulyo 2018, sa Geneva, Switzerland, ang ika-7 Trade Policy Review ng World Trade Organization (WTO) sa Tsina.
Para suriin ang mga patakarang pangkalakalan ng Tsina nitong 2 taong nakalipas, iniharap ng mga kasapi ng WTO ang 1963 nakasulat na tanong sa Tsina. Sa pulong ng pagsusuri naman, nagtalumpati ang mga kinatawan ng 70 kasapi ng WTO, at binigyan nila ng pagtasa ang mga patakarang pangkalakalan ng Tsina.
Bilang tagapangulo ng pulong ng pagsusuri, ginawa ni Eloi Laourou, Embahador ng Benin sa WTO, ang ulat ng paglalagom. Aniya, positibo ang iba't ibang kasapi ng WTO sa malaking ambag ng Tsina para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at positibong papel nito sa WTO. Pinapurihan din aniya ng WTO ang mga hakbangin ng reporma ng Tsina, na gaya ng pagpapalawak ng market access, pagdaragdag ng pagkakataon para sa pamumuhunan, pagpapasigla sa mas maraming paglahok ng pribadong sektor sa kabuhayan, pag-alis ng subsidy sa fossil fuel, pagpapasulong sa pasilitasyon ng kalakalan, at iba pa.
Salin: Liu Kai